LGU Logo
Republic of the Philippines

Cavinti Laguna

Philippine Standard Time:

Sangguniang Bayan 59th Regular Session on September 28, 2026

September 29, 2026
Sangunian Bayan
Featured Image

Sa naturang pagpupulong, nagpaabot ng pagbati at pagkilala ang Sangguniang Bayan sa matagumpay na pagdaraos ng 126th Philippine Civil Service Month Celebration ng Pamahalaang Bayan ng Cavinti, na naging patunay ng pagkakaisa, pakikiisa, at sama-samang pagsisikap ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan sa pagdiriwang ng mahalagang okasyong ito, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag at dedikasyon sa patuloy na paghahatid ng mahusay na serbisyo publiko. Nagbigay rin ng suporta at panalangin para sa matagumpay at ligtas na paglalakbay at pagganap ng tungkulin ng ating Kagalang-galang na Mayor Arrantlee R. Arroyo at Vice Mayor Milbert L. Oliveros, na kasalukuyang nasa Republic of Korea, bilang bahagi ng patuloy na pakikipag-ugnayan at koordinasyon hinggil sa Seasonal Worker Program (SWP). Layunin ng naturang pakikipag-ugnayan na mapalawak ang mga oportunidad at mapatatag ang ugnayan para sa kapakinabangan ng mga mamamayan ng Cavinti. Sinundan ito ng pagtalakay at pagpapatibay sa mga panukalang nagmula sa Ehekutibo at Lehislatura, bilang bahagi ng patuloy na pagsasagawa ng Sangguniang Bayan ng mga tungkuling pambatas at pagsuporta sa mga programang naglalayong maisulong ang kapakanan at kaunlaran ng Bayan ng Cavinti.