LGU Logo
Republic of the Philippines

Cavinti Laguna

Philippine Standard Time:

Sangguniang Bayan 61st Regular Session on October 12, 2026

October 12, 2026
Sangunian Bayan
Featured Image

Ginanap ngayong ika-12 ng Oktubre 2026 ang Ika-61 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Bayan ng Cavinti, sa pangunguna ng ating Kagalang-galang na Pangalawang Punumbayan at Tagapangulo ng Sangguniang Bayan, Vice Mayor Milbert L. Oliveros, kasama ang mga Kagalang-galang na Miyembro ng Sangguniang Bayan. Sa nasabing pulong, tinalakay at pinagtibay ang mga Legislative Proposals na inihain ng mga Kagalang-galang na Miyembro ng Sangguniang Bayan, gayundin ang mga Administrative Measures na nagmula sa Tanggapan ng Punumbayan (Executive Department). Binigyang-pansin ang mga panukala at usaping nangangailangan ng masusing pagtalakay at kaukulang aksyon ng Sangguniang Bayan bilang bahagi ng proseso ng paggawa ng mga batas at pagpapatupad ng mga hakbang para sa maayos na pamamahala ng ating bayan. Matapos ang regular na sesyon, isinagawa naman ang mga pagpupulong ng iba’t ibang komite upang higit na mapag-aralan, mapag-usapan, at mabigyan ng kaukulang pansin ang mga panukala at usaping nakapaloob sa kani-kanilang nasasakupan.