Sangguniang Bayan 60th Regular Session on October 5, 2026
Sa nasabing pulong, iniulat ng ating Vice Mayor ang matagumpay na pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Bayan ng Cavinti sa Republika ng Korea, partikular sa Cheongdo County, kung saan isinagawa ang MOA Signing para sa Seasonal Worker Program. Layunin ng programang ito na mabigyan ng oportunidad ang mga kwalipikadong Cavintiin na makapagtrabaho sa Korea sa ilalim ng isang pormal na kasunduan.Ipinahayag din ang pasasalamat sa mainit na pagtanggap at pakikipag-ugnayan ng Governor ng Cheongdo na si Park Kuen Hyun, gayundin sa mga naging mabuting pagtanggap at pakikipag-ugnayan sa Yangju City. Ang mga ganitong ugnayan at kasunduan ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Cavinti na makapagbukas ng mga oportunidad para sa ating mga kababayan at mapalawak ang ugnayan sa mga international partners.
Recent Updates
Sangguniang Bayan 61st Regular Session on October 12, 2026
Sangguniang Bayan 59th Regular Session on September 28, 2026
Sangguniang Bayan 58th Regular Session on September 21, 2026
Sangguniang Bayan 57th Regular Session on September 14, 2026